Isang Step-by-Step na Gabay Kung Paano Mangingibabaw sa Larong Lucky 9!

Para magtagumpay sa Lucky 9, ang pinakauna mong kailangan gawin ay pag-aralan kung paano ito laruin. Ang bawat round sa larong ito ay mabilis na talaga namang puno ng kasiyahan. Dahil madali lang maintindihan ang tuntunin nito, angkop ito sa iba't ibang edad. Ang kaalamang ito ang siyang magiging pundasyon para mas lalong gumaling sa paglalaro. Ang ilan sa mga mahahalagang bagay na dapat alamin sa Lucky 9 ay ang pagtukoy kung paano binibilang ang halaga ng puntos ng mga baraha. Siyempre, kasing halaga rin nito na maunawaan ang iba pang patakaran ng laro. Ilalahad din ng LaroPay ang ilang tips at estratehiya para mapaghusay ang iyong paglalaro. Mula rito, upang mailapat ang lahat ng kaalamang ito, itatala rin ang mga aplikasyon kung saan maaari kang maglaro at posibleng kumita. 

Pagsilip sa Larong Lucky 9


About Lucky 9

Ang Lucky 9 card game ay isang kapanapanabik na larong baraha na tinatangkilik ng maraming Pilipino. Ito ay bukas para sa lahat ng edad dahil madali lamang itong matutunan. Ginagamitan ito ng isang pamantayang deck na binubuo ng 52 na baraha. Kadalasan itong nilalaro ng tatlo hanggang apat na katao bawat round. Ang simpleng mga Lucky 9 rules nagbibigay-daan para madaling malapatan ng sapat na estratehiya upang manalo. Ang pangunahing layunin ng larong ito ay matalo ang banker sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kabuuang halaga ng mga baraha na mas mataas o pinakamalapit sa siyam.

 

Ang Lucky 9 ay maaari ding laruin online, kung saan pwede ka ring kumita mula sa iyong mga napanalunan bawat round. Similar sa tradisyunal na na bersyon nito, may karampatang halaga na matatanggap base sa kung paano ka nanalo.  Ang ilang mga Lucky 9 app na maaasahan para dito ay matatagpuan sa website ng LaroPay. Gumagamit ang online portal na ito ng pinakabagong teknolohiya para sa proteksyon ng transaksyon at impormasyon. Kung nais mong ilapat ang iyong mga natutunan sa paglalaro ng Lucky 9, ang LaroPay website ang iyong dapat bisitahin para sa mga kapanapanabik na paglalaro.

Mga Tuntunin sa Lucky 9


Ang una mong dapat gawin para matutunan ang Lucky 9 ay ang pag-aralan ang mga panuntunan nito. Siyempre, nangunguna rito ay ang pagtukoy sa sa halaga ng bawat barahang ginagamit. Sa katunayan, madali lang naman talaga ito. 

  1. Ang mga numero sa mga baraha ay direktang nagpapahiwatig ng kanilang halaga. Halimbawa, kung ang baraha ay may bilang na 6, ito ang magiging halaga nito sa laro. 

  2. Sa kabilang banda, ang mga face cards at aces ay may espesyal na halaga. Ang ace ay nagkakahalaga ng isang puntos at ang face cards naman ay may katumbas na sampu o 0.


Ang naitalang batas ng Lucky 9 sa itaas ang siyang pinaka pundasyon ng laro. Dito umiikot ang kabuuang takbo bawat round. Kaya naman nasa manlalaro na kung paano niya lalaruin ang barang hawak. Laging tatandaan lang na sa Lucky 9, laging kinukuha ang panghuling numero. 

Hal. 14 na kabuuang putos ng baraha (Q♦ - 4♠) = 4 puntos

Base sa ibinigay na halimbawa, basta’t lumagpas sa 9 at naging dalawang digit na ang halaga ng iyong baraha sa Lucky 9 online card, ito lamang ang itinuturing na kabuuang katumbas na iyong hawak. Kaya naman, dito pumapasok ang isa pang Lucky 9 rule na siyang nagdadagdag kulay sa larong ito. Ito ay ang pagdagdag ng pangatlong baraha.

Pangatlong Baraha sa Lucky 9 


Kung kinakailangan, maaari kang humingi pa ng Lucky 9 third card sa bangkero. Dito na pumapasok ang estratehiyang gagamitin para mapabuti ang iyong tsansang manalo. Isipin mo, kung mababa ang kabuuang halaga ng iyong mga baraha, halimbawa nasa 2 lang, malamang ay matatalo ka talaga sa laro. Common sense na talagang humingi ka ng pangatlong baraha. Ngunit, kung ang iyong baraha ay may kabuuang halaga na 7, mas mainam na panatilihin na lamang ito. Huwag nang humingi pa ng pangatlong baraha. Tandaan, tatanghaling panalo kapag mas mataas ang halaga ng iyong baraha sa bangkero. At ano ang halaga ng barahang ikinokonsiderang panalo? Kapag mas malapit ito sa halagang 9. Kaya, ang pagpapasya kung kailan hihingi ng karagdagang baraha sa Lucky 9 ay napakahalaga.

Paano ang Takbo ng Isang Round sa Lucky 9? 



  1. Sa simula ng Lucky 9, ang banker ay magbabalasa muna ang mga baraha. 

  2. Sunod, ang mga baraha at ipamimigay nito sa mga manlalaro. 

  3. Ang bawat isa, kabilang ang banker, ay tatanggap ng dalawang baraha. 

  4. Sabay-sabay na titingnan ang halaga ng barahang natanggap.

  5. Matapos makita ang halaga, mamimili na ang mga manlalaro kung magdadagdag nga ba ng pangatlong baraha upang mapabuti ang kanilang kabuuang halaga para maging mas malapit sa Lucky 9 o hindi na. 

  6. Ngayon, ipapakita na ang halaga ng bawat baraha ng lahat ng manlalaro at matutukoy na kung sino ang panalo. 

  7. Ultin muli ang round.


Konklusyon


Sa kabuuan, ang paglalaro ng Lucky 9 online ay halos kapareho lamang ng tradisyunal na paraan. Ngunit malaking bentahe lamang ng online na bersyon ay nag-aalok ito ng dagdag na kaginhawaan habang kumikita online. Ngayon na alam mo na ang mga patakaran sa paglalaro ng Lucky 9, subukan na ito sa mga gaming app na nasa LaroPay at bakahin ang hamong dala ng laro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *